LUMAKI ang gross international reserves (GIR) ng bansa sa bagong record na $88.995 billion hanggang noong katapusan ng Marso 2020, ayon sa datos na ipinalabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Ang end-March GIR level ay mas mataas ng $808 million kumpara sa end-February level na $88.187 billion.
Ang foreign reserves na naitala noong Marso ang pinakamataas na GIR level sa kasalukuyan.
“The month-on-month increase in the GIR level reflected inflows arising from the BSP’s foreign exchange operations as well as income from its investments abroad, and the National Government’s foreign currency deposits with the BSP,” ayon sa BSP.
“These inflows were partly offset, however, by payments made by the National Government for servicing its foreign currency debt obligations,” anang central bank.
”At this level, the GIR can cover 7.9 months’ worth of imports of goods and services and payments of primary income,” dagdag pa ng BSP.
Katumbas din ito ng 5.3 beses ng short-term external debt ng bansa base sa original maturity at 3.8 bese base sa residual maturity.
Tumaas din ang net international reserves (NIR), na tumutukoy sa pagkakaiba sa pagitan ng GIR at total short-term liabilities ng BSP, ng $810 million sa $88.99 billion hanggang noong katapusan ng Marso mula sa end-February level na $88.18 billion.
Comments are closed.