BINISITA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang burol ng anim na sundalong nasawi matapos maka-engkuwentro ang New People’s Army (NPA) sa Borongan, Samar noong Nobyembre 11.
Kinilala ang mga nasawing sundalo na sina Staff Sergeant Rex Jadulco, Sergeant Robaldo Go, Sergeant Limar Banug, Corporal Junmar Buranday, Corporal Kent Lloyd Agullo at Private First Class Charlie Del Rosario.
Iginawad naman ng Pangulo sa mga nabanggit na sundalo ang Order of Lapu-Lapu Rank of Kalasag na siyang pinakamataas na pagkilala sa mga nagbigay ng katangi-tanging serbisyo sa bansa.
Kasabay nito, personal din nagpaabot ng pakikiramay at tulong pinansiyal si Pangulong Duterte sa pamilya ng mga nasawing sundalo.
Samantala, pinagkalooban din ni Pangulong Duterte ng Order of Lapu-Lapu Rank of Kampilan ang may 24 pang mga sundalong nasugatan naman sa engkuwentro at kasalukuyang nagpapagaling sa magkakahiwalay na ospital sa Samar at Leyte. DWIZ 882
Comments are closed.