(Sa face-to-face classes) 28 NCR SCHOOLS POPOSTEHAN NG PULIS

IT’S all systems go!

Ito ang tiniyak ng Philippine National Police (PNP) sa pilot implementation ng face-to-face classes sa 28 paaralan sa Metro Manila ngayong araw, Dis­yembre 6.

Hawak na rin ng PNP ang listahan ng mga paaralan na kasama sa magpapatupad ng in person class kaya naman asahan ang mga pulis na magbabantay roon.

Tiniyak naman ni PNP Chief PGen. Dionardo Carlos ang kaligtasan ng mga papasok ngayong araw habang tiwala na alam ng kanyang mga tauhan ang protocols habang nagbabantay sa mga paaralan.

“The resumption of the face-to-face learning setup is not new anymore for us since other schools have already started this last November. We just have to follow the template and remind our police personnel to strictly limit themselves from going inside school premises unless there is a request for security assistance,” ani Carlos.

Pinaalalahanan din ng PNP ang mga mag-aaral, gayundin ang mga magulang at guardian na panatilihin ang pagsunod sa minimum publich health protocols gaya ng pagsuot ng face mask, social distancing at palagiang maglinis ng kamay o gumamit ng rubbing alcohol.