KINUMPIRMA ni Kai Sotto na maglalaro siya para sa Gilas Pilipinas sa nalalapit na February window ng 2021 FIBA Asia Cup qualifiers.
Sa Instagram ay sinabi ng 7-foot-3 big man na babalik siya sa bansa sa lalong madaling panahon para sa continental tournament.
“Sobrang excited ako na nabigyan ng opportunity para makapaglaro sa Gilas ngayong February window,” ani Sotto.
“Nagpapasalamat ako sa lahat ng sumusuporta at naniniwala sa aking pangarap na makapaglaro para sa bayan at sa tamang panahon, sa NBA,” dagdag pa niya.
Makakasama ni Sotto ang ilang professional at collegiate standouts sa pagpasok niya sa Gilas bubble sa Calamba, Laguna.
Si Sotto ay kasalukuyang nagsasanay sa NBA G League select team Ignite, kasama sina fellow NBA prospects Jalen Green at Daishen Nix.
Ang Ignite ay bahagi ng G League tournament na magsisimula sa Pebrero sa Disney World bubble.
Wala pang inilalabas na iskedyul para sa torneo.
Comments are closed.