BAGAMA’T naging maganda ang overall performance ng Gilas Pilipinas squad sa November 2020 window ng FIBA Asia Cup 2021 qualifiers ay nais pa itong palakasin ng Samahang Basketbol ng Pilipinas SBP) para sa susunod na qualifying window sa February 2021.
Dahil ang mga professional ay kasalukuyan pang naglalaro sa PBA Philippine Cup sa Clark, Pampanga, pinagsama-sama ng SBP sa koponan ang mga fresh graduate at collegiate player.
Dalawang beses na tinalo ng koponan na walang PBA experience ang Thailand sa FIBA bubble sa Manama, Bahrain.
“I think we were all pleasantly surprised with the outcome,” wika ni Tab Baldwin, ang program director ng Gilas Pilipinas.
May mga pagdududa sa tsansa ng Gilas bago ang Bahrain bubble dahil ang mga batang Pinoy ay mapapalaban sa isang Thai team na binubuo ng mga professional player. Subalit nangailangan sila ng isang quarter bago lumayo para sa 93-61 panalo sa first game, pagkatapos ay nalusutan ang matikas na performance ni Chanatip Jakrawan sa ikalawang laro para maitakas ang 93-69 panalo.
“Going to Bahrain after going after results, we were able to get two wins, so everybody walks away feeling very good about themselves,” ani Baldwin.
Nagpakitang-gilas ang ilang players, kabilang sina incoming Ateneo forward Dwight Ramos at Juan Gomez de Liano, subalit naniniwala ang coaching staff ng Gilas na marami pang dapat ayusin.
“As coaches, we probably saw more of the problems, more of the negatives than an average fan,” ani Baldwin. “The coaching staff walks away realizing there’s a lot to work on.”
“But we have an excellent environment now to begin developing and building better basketball players and a better basketball system,” dagdag pa niya.
Kasalukuyang pinag-uusapan ang bubuo sa Gilas squad na sasabak sa susunod na qualifying window na nakatakda sa Pebrero ng susunod na taon. Wala pang lugar na pagdarausan ng qualifiers bagama’t nag-alok ang Filipinas na maging host kahit sa isang grupo sa isang bubble set up.
Target ni Al Panlilio, ang presidente ng SBP, na pagsamahin ang mga PBA player at young cadets sa February window.
Ganito rin ang posisyon ni Baldwin kung saan nais niya ng isang extended pool of players na pagpipilian sa susunod na stage ng qualifiers.
“We are planning, and obviously we have to talk to all of our partners that are involved in the basketball landscape,” sabi ni Baldwin. “We’ve already seen Boss Al’s comments in the media that we will probably be looking at bringing PBA players back in the mix.”
Comments are closed.