PALALAKASIN ng mga player ng reigning PBA Philippine Cup champion TNT Tropang Giga ang Gilas Pilipinas sa February window ng 2023 FIBA Basketball World Cup qualifiers.
Kulang sa tao dahil sa commitments ng ilang players sa ibang bansa, ang Gilas Pilipinas ay sasandal sa pro league para sa ilang reinforcements.
Nakatakdang magsagawa ng emergency meeting ang PBA Board of Governors upang bumuo ng isang resolution sa bagay na ito na hiniling ni returning Gilas coach Chot Reyes.
Sa isang Zoom meeting kina PBA commissioner Willie Marcial, deputy commissioner Eric Castro at special assistant to the commissioner Mich Flores, inilatag ni Reyes ang plano na kunin ang ilang TNT players upang punan ang mga butas sa lineup ng Gilas.
Ang Gilas cadets, sa pangunguna ni young giant Kai Sotto, ang bumubuo sa koponan na nagpakitang-gilas sa FIBA Asia Cup qualifiers at sa 2021 Olympic qualifier sa Serbia. Ngunit marami sa kanila ang hindi na makapaglalaro dahil sa engagements sa ibang bansa.
“Ayaw naman i-disrupt ni coach Chot ang PBA. So ang plano niya mag-inject lang ng TNT players sa Gilas for the qualifiers set in the last week of February,” sabi ni Marcial.
“What we would do now is to adjust our schedule to accommodate the request. Paglalaruin na agad namin ang TNT sa Governors’ Cup resumption, four to five games, para pagdating ng FIBA qualifiers, libre na ang TNT players,” dagdag ni Marcial.
Kung matutuloy ang plano, ang SBP ang magho- host sa February window sa Smart Araneta Coliseum kung saan makakasagupa ng Gilas ang South Korea sa Feb. 24, India sa Feb. 25 at ang New Zealand sa Feb. 27.
Ang susunod na window ay magsisimula sa June kung saan makakaharap ng Pilipinas ang India sa 30th at ang New Zealand sa July 3. CLYDE MARIANO