(Sa ‘first 100 days in office’) PBBM BINIGYAN NG MATAAS NA GRADO

Martin Romualdez

MAHUSAY na nagampanan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kanyang tungkulin bilang pinuno ng bansa sa unang isandaang araw niyang panunungkulan kung saan nagawa nitong maitakda ang hakbangin ng pamahalaan tungo sa layuning mas higit pang maibangon at patatagin ang ekonomiya ng bansa.

Ito ang binigyan-diin ni Speaker Martin G. Romualdez (Leyte 1st. Dist.) kasabay ng pagbibigay ng mataas na grado sa Punong Ehekutibo kung ang pagbabantayan ay ang naging performance nito sa tinaguriang ‘first one hundred days in office’.

“President Marcos Jr. did a good job of crafting a national budget that is responsive to the country’s needs and ensuring a functioning government to ensure the implementation of policies he laid down in his 8-point economic agenda,” pahayag pa ng lider ng Kamara.

“I think the President has done great things in the government, particularly in his Cabinet. And his policies are very clear. On the part of the House of Representatives, we affirmed his fiscal framework (as contained in the proposed 2023 national budget) along with the Senate,” Romualdez dugtong pa niya.

Ayon kay Romualdez, ang 2023 national budget na isinumite ng Malakanyang ay sumasalamin sa kung papaano gagamitin ng gobyerno ang pondo at makikita na ang Marcos administration ay nakatuon sa pagtugon at pagbawi ng bansa mula sa mabigat na dulot ng pandemya.

“We passed his budget on third reading so we’re well on our way.

That’s the most important piece of legislation. That’s the national budget for 2023, so my assessment is that he’s done a great job,” sabi pa ni Romualdez.

Pinuri rin ng House Speaker ang matagumpay na state visits ni President Marcos sa Indonesia, Singapore at United States (US,) kamakailan, dahil nagresulta ito sa nakatakdang pagpasok sa Pilipinas ng billion dollars na kinakailangang foreign investments.

“He has also done a wonderful job in engaging our friends in the international community whereby foreign direct investments would be coming,” ani Romualdez.

“And in fact, his recent trips from Indonesia, Singapore and the
United States – among our top trading partners, Singapore being the number one source of foreign direct investments we have seen so much enthusiasm and they welcome his presidency and his administration,” sabi pa ng Leyte lawmaker.

Magugunita na sa kanyang pag-uwi matapos ang magkakahiwalay na state visits ay bitbit at pasalubong ni Marcos sa sambayanang Pilipino ang nasa kabuuang $14.36 billion investment pledges mula sa Indonesia at Singapore, habang mahigit $4 billion naman sa kanyang 6-day U.S. working visit. ROMER R. BUTUYAN