TUMAAS ang merchandise exports ng bansa sa unang anim na buwan ng taon ng 3 percent kumpara sa kaparehong panahon noong 2023.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang merchandise export revenues mula Enero hanggang Hunyo 2024 ay pumalo sa USD36.41 billion, tumaas mula USD35.34 billion sa first half ng nakaraang taon.
Batay sa datos ng PSA, ang balance of trade in goods para sa first half ng taon ay bumuti rin dahil ang deficit ay lumiit sa USD25 billion mula USD27.63 billion sa first semester ng 2023.
Gayunman, ang year-on-year external trade performance ng bansa para sa Hunyo ay lumala dahil ang deficit ay lumaki ng 9.3 percent sa USD4.3 billion mula USD3.94 billion sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Ito’y dahil ang exports of goods ay bumagsak ng 17.3 percent, habang ang imports ay bumaba lamang ng 7.5 percent.
Ang goods exports ng bansa noong Hunyo ay nagkakahalaga ng USD5.57 billion, bumaba mula USD6.73 billion sa kaparehong panahon noong 2023.
Ayon sa PSA, limang commodity groups ang nag-ambag sa malaking pagbaba sa export revenues noong Hunyo.
“The country’s largest export product, electronic goods, exported USD965.14 million less in June 2024 than its exports in the same period last year,” ayon sa PSA.
Ang electronics exports noong Hunyo ngayong taon ay nagkakahalaga ng USD2.99 percent, na bumubuo sa 53.7 percent ng total merchandise exports, mula USD3.96 billion.
Ang iba pang contributors sa mababang export revenues noong Hunyo ay ang cathodes and section of cathodes, of refined copper na bumaba ng USD97.13 million; other manufactured goods, bumaba ng USD59.99 million; machinery and transport equipment, bumaba ng USD53.15 million; and other mineral products, bumaba ng USD49.52 million.
Ang top destinations para sa Philippine exports noong Hunyo ay ang United States (USD897.9 million), Hong Kong (USD886.64 million), China (USD868.44 million), Japan (USD746.97 million), at South Korea (USD240.26 million).