NAABOT na ng National Food Authority (NFA) ang 100.06 percent ng target palay procurement nito para sa first half ng 2024.
Ito ay makaraang makamit ng NFA ang 3,365,245 bags ng palay mula sa kabuuang target na 3,363,100 bags hanggang June 13.
Sa kabuuan, ang ahensiya ay may 168,262 metric tons (MT) ng palay sa lahat ng bodega nito sa buong bansa.
Sa isang statement, pinasalamatan ni NFA administrator Larry Lacson ang mga magsasaka sa pagsasamantala sa bagong pricing scheme at pagbebenta ng mas maraming prdukto sa ahensiya.
“Nagpapasalamat tayo sa ating mga magsasaka na patuloy na pinag-iibayo ang pagtatanim ng palay para sa ating bansa. Gayundin sa mga kawani ng ating ahensya na masigasig na naglilingkod para matugunan ang mandato ng ahensya (We thank our farmers who continue to plant palay for our country. Likewise, our NFA personnel who diligently continue their service to fulfill our mandate),” ani Lacson.
Sinabi ni Lacson na ang lahat ng NFA warehouses ay nananatiling bukas para sa play procurement habang target ng ahensiya na makamit ang 300,000 MT ng milled rice para sa national buffer stock ng bansa.
“We are continuously procuring palay from our local farmers under our Price Range Scheme or PRICERS,” aniya.
Sa ilalim ng PRICERS, ang presyo kada kilo para sa fresh o wet palay ay naglalaro sa P17 hanggang P23, at ang para sa clean at dry palay ay P23 hanggang P30.
PAULA ANTOLIN