(Sa first quarter) KASO NG ASF BUMABA

Agriculture Secretary William Dar-5

BUMABA ang kaso ng African swine fever (ASF) sa first quarter ng taon dahil sa tuloy-tuloy na pagpapatupad ng Department of Agriculture (DA) ng localized programs.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, nasa 935 na lamang ang naitalang kaso ng ASF mula Enero hanggang Marso ng taong ito, kumpara sa 3,060 kaso sa third quarter ng 2020.

Sinabi ni Dar na malaking tulong ang modified protocols na pinaiiral ng ahensiya pagdating sa managing, containing at control-ling ng ASF sa bansa tulad na lamang ng pagkakaroon ng local veterinary quarantine checkpoints, disease investigation at surveillance sa tulong ng iba’t ibang grupo sa kada rehiyon at kinauukulang local government unit.

Aniya, kabilang dito ang ‘Bantay ASF sa Barangay’ program na naglalayong protektahan ang ASF-free small holders at commercial swine farms at pagandahin pa ang security at pro-active surveillance at sure aid program na magbibigay ng livelihood assistance sa mga hog raiser na apektado ng ASF.

Naniniwala si Dar na makatutulong din ang nasabing mga programa sa repopulation ng mga baboy sa bansa na naapektuhan ng ASF at aalamin ang financial support facilities para sa mga alternatibong livelihood projects sa ASF-affected farmers. DWIZ 882

3 thoughts on “(Sa first quarter) KASO NG ASF BUMABA”

Comments are closed.