NAGPALABAS ang Pag-IBIG Fund ng P17.22 billion na home loans sa first quarter ng 2019, mas mataas ng P3.12 billion kumpara sa P14.1 billion na ipinalabas sa kaparehong panahon noong 2018. Ito ang pinakamataas na halaga na naipalabas sa kasalukuyan ng ahensiya sa unang tatlong buwan ng isang taon.
Ang halaga ay ipinantustos sa pagbili at pagpapatayo ng 19,696 tahanan para sa mga miyembro ng Pag-IBIG Fund, na record-high din sa first quarter ng taon, at mas mataas ng 13 percent kumpara sa 17,398 tahanan na ginastusan sa kahalintulad na panahon noong nakaraang taon. Sa nasabing bilang, 5,789 o 29 percent ay para sa socialized housing units kung saan ang mga benepisyaryo ay minimum-wage at low-income earners.
“Pag-IBIG Fund’s performance in the first quarter of 2019 stands out as the best so far. Bigger loan releases and increasing number of borrowers mean that more and more Filipino workers are being helped by Pag-IBIG Fund achieve their dream of home-ownership. This is why Pag-IBIG Fund remains as a major player in President Rodrigo Roa Duterte’s drive to uplift the lives of Filipino families through sustainable social development programs and access to decent and affordable housing,” wika ni Secretary Eduardo D. del Rosario, na kapwa pinamumunuan ang Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) at ang Pag-IBIG Fund Board of Trustees.
Ang home loan releases sa unang tatlong buwan ng 2019 ay umabot sa P15-billion mark sa unang pagkakataon at tumaas ng 22 percent year-on-year.
“It took us a while for our home loan releases in the first quarter of the year to breach the P15 billion level. In the first quarters of 2017 and 2018, our releases hovered above P14 billion. The P17.22 billion in home loans we released for the first quarter of 2019 is yet another testament to our continued growth and reliability. We commit to continue working hard to maintain our strong performance and help more members achieve their own homes,” sabi naman ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy P. Moti.
Sa kabuuan, ang Pag-IBIG Fund home loans mula Enero hanggang Marso ngayong taon ay nasa P29.25 billion upang tustusan ang tahanan para sa 30,762 miyembro. Kinabibilangan ito ng halagang ipinalabas at ng P12.03 billion na nakabimbin para sa takeout sa 11,066 miyembro. Ang mga nakabimbin para sa takeout ay ang mga aprubadong home loan applications, na ang halaga ay nakahanda nang ipalabas sa sandaling maisumite ng mga borrower ang post-approval requirements.