(Sa first quarter ng 2024) BOC NAHIGITAN ANG TARGET COLLECTION NG P8-B

NALAMPASAN ng Bureau of Customs (BOC) ang target collection nito para sa  first quarter ng 2024 ng P8 billion.

Ang BOC ay nakakolekta ng P219 billion mula Enero hanggang Marso 2024.

“Ito po ay P8 billion na mahigit sa collection target namin sa unang 3 buwan sa taon na ito,” sabi ni BOC spokesperson Vincent Philip Maronilla.

Aniya, nagawa ito ng ahensiya makaraang i-digitalize nito ang 96 percent ng mga proseso.

.“‘Yung anti-smuggling program namin, significant na ‘yung aming accomplishment… P18-billion worth ng nahuling smuggled goods sa tatlong buwan pa lang,” dagdag pa niya.

Karamihan, aniya, sa smuggled items ay fake goods at agricultural products.

“Shipments of metamphetamine hydrochloride, commonly known as the illegal drug shabu, stashed in vehicle mufflers were also intercepted by BOC officials.”