UMABOT sa 987.19 thousand metric tons ang total volume ng fisheries production sa first quarter ng 2024, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Bumaba ito ng 0.5 percent mula sa 992.33 thousand metric tons output sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Sa datos ng PSA, ang pagbaba sa produksiyon ay naitala sa marine municipal fisheries, habang ang commercial, inland municipal fisheries, at aquaculture ay tumaas ang produksiyon sa unang tatlong buwan ng taon.
Nagtala naman ang commercial fisheries production ng 188.92 thousand metric tons, mas mataas ng 10.7 percent kumpara sa output na 170.60 thousand metric tons sa kaparehong panahon noong nakaraang taon. Ang subsector ay bumubuo sa 19.1 percent ng total fisheries production.
“On marine municipal fisheries, the total volume of production was estimated at 211.33 thousand metric tons in the first quarter of 2024. This was 12.4 percent lower than the previous year’s same quarter level of 241.37 thousand metric tons. The subsector’s share to the total fisheries production in the first quarter on 2024 was 21.4 percent,” ayon sa PSA.
Sa naturang quarter, ang inland municipal fisheries production ay naitala sa 40.55 thousand metric tons, tumaas ng 17.6 percent mula 34.48 thousand metric tons sa kaparehong panahon noong 2023. Ang subsector ay nag-ambag ng 4.1 percent sa total fisheries production sa first quarter ng 2024.
Ang aquaculture production ay naitala sa 546.40 thousand metric tons sa first quarter ng 2024. Ito ay mas mataas ng 0.1 percent kumpara sa 545.88 thousand metric tons output sa kaparehong panahon noong 2023.
“The aquaculture subsector constituted the highest share of 55.3 percent to the total fisheries production during the quarter,” ayon sa PSA.
Sa 20 major species, ang output reductions ay naitala sa bali sardinella (tamban, -29.9%), milkfish (bangus, -7.6%), threadfin bream (bisugo, -37.2%), blue crab (alimasag, -29.5%), at seaweed .
Samantala, nairehistro ang pagtaas sa skipjack (gulyasan, 28.3%), tilapia (8.8%), frigate tuna (tulingan, 29.6%), fimbriated sardines (tunsoy, 45.1%), at yellowfin tuna (tambakol/bariles, 13.3%).