NANANATILI sa manageable level ang kabuuang foreign debt ng Pilipinas hanggang first quarter ng taon, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Ayon sa datos ng BSP, ang kabuuang utang panlabas ng bansa ay nasa $128.7 billion hanggang katapusan ng March 2024, tumaas ng 2.6%, o $3.3 billion, mula $125.4 billion noong katapusan ng December 2023.
“Despite the increase in the debt stock, the external debt ratio—expressed as a percentage of gross domestic product (GDP)—remains at prudent levels, recording at 29% from 28.7% in the last quarter of 2023,” paliwanag ng BSP.
Sinabi ng BSP na ang iba pang key external debt indicators ng bansa ay nanatili rin sa comfortable levels.
Ang gross international reserves (GIR)— ang sukatan ng kakayahan ng bansa na maisaayos ang import payments at service foreign debt ng bansa— ay nagkakahalaga ng $104.1 billion hanggang March 2024.
Ayon sa central bank, ang pagtaas sa debt level ay dahil sa net availments na $2.5 billion ng local entities, karamihan ay ng private sector banks, na nakalikom ng $2.1 billion na pondo mula sa offshore creditors para sa general corporate expenditures, refinancing of borrowings, at liquidity purposes.
Gayundin, sinabi ng central bank na ang $331 million na net availabilities ng public sector entities sa naturang panahon ay pangunahing hinimok ng national government para pondohan ang iba’t ibang proyekto/programa nito, kabilang ang mga inisyatiba na palakasin ang tax system efficiency at itaguyod ang isang kapaligiran para sa paggamit ng digital technology.
“Positive investor sentiment also contributed to the growth in the debt stock as investments in Philippine debt securities by non-residents rose by $1.2 billion,” anang BSP.
“In addition, prior periods’ adjustments also increased the country’s debt level by $551 million. The negative $927 million foreign exchange revaluation of borrowings denominated in other currencies amid US dollar appreciation partially tempered the rise in the debt stock,” dagdag pa nito.
Ang public sector external debt ay nasa $78.9 billion, tumaas ng 1.4% mula $77.8 billion sa huling quarter ng 2023.
Ang public sector foreign debt ay bumubuo sa 61.3% ng kabuuang utang panlabas, bumaba mula sa 62.1% sa naunang quarter.
Samantala, ang private sector debt ay umabot sa $49.8 billion, na bumubuo sa 38.7% ng kabuuan.
Tumaas ito ng $2.2 billion, o 4.7%, mula sa end-2023 level na $47.6 billion, dahil sa bond issuances ng local private banks na nagkakahalaga ng $1.8 billion.
Ayon sa BSP, ang major creditor countries sa Pilipinas ay ang Japan sa $15.2 billion, United Kingdom sa $4.6 billion, at Netherlands sa $3.9 billion.
Dagdag pa ng BSP, ang loans mula sa official sources—multilateral ($34.8 billion) at bilateral creditors ($15.9 billion)— ang may pinakamalaking share na $50.7 billion, o 39.4%, ng kabuuang outstanding foreign debt, sumunod ang borrowings sa anyo ng bonds/notes sa $42.2 billion, o 32.8%, at obligations to foreign banks and other financial institutions sa $28.5 billion, o 22.1%.
Ang nalalabing $7.3 billion, o 5.6% ng kabuuan, ay inutang sa iba pang creditors, pangunahin ang suppliers o exporters.