(Sa first, second quarters) BUSINESS CONFIDENCE TUMAAS

BSP-11

TUMAAS ang kumpiyansa ng negosyo sa first at second quarters ng taon sa kabila ng two-week enhanced community quarantine sa National Capital Region Plus na tatagal sa Abril 11.

Ayon sa Business Expectation Survey ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang Confidence Index sa first quarter ng 2021 ay tumaas sa 17.4 percent mula sa 10.6 percent noong nakaraang quarter habang ang CI para sa second quarter ay umakyat sa 42.9 percent mula sa 37.4 percent.

“The overall Confidence Index for Q1 and Q2 both posted increases from previous quarter survey results,” anang BSP sa isang statement.

Sa isang virtual briefing, sinabi ni BSP Department of Economic Statistics (DES) Senior Director Redentor Paolo Alegre Jr.  na ang kumpiyansa para sa dalawang quarters ay dahil sa pagluluwag sa quarantine restrictions at sa muling pagbubukas ng mga negosyo; obserbasyong nasasanay na ang mga tao sa ‘new normal’;  pagtaas sa volume ng sales at orders; COVID-19 vaccines rollout;  pagbuo ng bagong business strategies; at inaasahang pagtaas ng demand para sa koryente at construction activities sa panahon ng tag-init.

Ayon kay Alegre, tumaas din ang business outlook para sa susunod na quarter at sa susunod na 12 buwan dahil sa mga kadahilanang tinukoy sa first quarter.

“In relation to our analysis, the current quarter BES result is a good coincidental indicator for the first quarter GDP (gross domestic product) result,” aniya.

Samantala, sinabi ni BSP Monetary Policy Sub-Sector Senior Assistant Governor Illuminda Sicat na sa kabila ng ECQ, “there are lots of positive developments around us such as the vaccine rollout, vaccination of medical frontliners, and positive outlook on both the global and domestic economy.”

“In addition, there are already economies opening up and these would provide opportunities to some of our OFWs (overseas Filipino workers) displaced in the early part of 2020. So there are many things that could affect the sentiments. The lockdown is not the only factor,” sabi pa niya.

2 thoughts on “(Sa first, second quarters) BUSINESS CONFIDENCE TUMAAS”

  1. 255771 237560This internet web site is usually a walk-through its the data you wished about this and didnt know who ought to. Glimpse here, and youll undoubtedly discover it. 957874

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *