(Sa football tourney sa Thailand) PINOY BOOTERS SUMIPA NG SILVER

BIS Cruzeiros

NAKOPO ng Filipino team Kaya FC Elite U13 ang silver makaraang madepensahan ng BIS Cruzeiros ang kanilang korona sa Phuket Football Tournament sa Thailand.

Bukod sa pagwawagi ng silver, naibulsa rin ni team captain Enzo Courbet ang Most Valuable Player award sa nasabing torneo noong nakaraang linggo.

Naunang ginapi ng nag-iisang Filipino team ang  Cruzeiros sa group stage 1-0, subalit natalo via header goal mula sa corner kick sa finals.

Nanguna ang Kaya FC, ang U13 YFL champion sa bansa ngayong taon, sa kanilang group category na kinabibilangan ng Thailand, Japan at Australia.

“I think our team did really well against a good academy that has a tie-up with a Brazilian club. I think we are on the right track to improve football in the Philippines,” wika ni coach Thomas Pfyl.

“We should not think we are behind among other countries in the region. We are as good as they are,” sabi pa niya.

Ang Phuket Cup ay isang taunang international football tournament na nilalahukan ng high level football players sa Southeast Asia sa ilalim ng 13 at 15 age groups.

Comments are closed.