(Sa fully vaccinated sa low risk countries) QUARANTINE PINAIKLI SA 7 ARAW

Harry Roque

PITONG araw na lamang na isasailalim sa quarantine ang mga indibidwal na ‘fully vaccinated’ na laban sa COVID-19 sa “Green” countries sa kanilang pagdating sa bansa simula sa Hulyo 1.

Sa isang virtual briefing, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na pumayag na ang  Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID), sa Resolution 123-C nito na inaprubahan noong June 28, na paikliin ang quarantine period para sa mga darating na pasahero mula sa “Green” countries, sa kondisyong tumanggap na sila ng dalawang shots ng COVID-19.

“Required pa ring sumailalim sa pitong araw na facility-based quarantine pagdating sa bansa, whether fully vaccinated sa Filipinas or abroad,” ani Roque, na siya ring tagapagsalita ng IATF-EID.

Sa ilalim ng IATF-EID Resolution 123-C, ang “Green” countries ay yaong klinasipika ng  Department of Health (DOH) bilang “‘Low Risk’ countries o jurisdictions base sa disease incidence rate.”

“Fully vaccinated travelers in ‘Green’ countries must carry their official documentation of full vaccination validated through the Philippine Overseas Labor Offices (POLO), or present their International Certificate of Vaccination, whichever is applicable, the resolution states,” nakasaad sa resolution.

Nauna nang pinayagan ng  IATF-MEID ang fully vaccinated individuals sa Filipinas na manatili ng pitong araw sa quarantine facility sa kanilang pagdating sa bansa.

Ang mga fully vaccinated sa Filipinas ay inaatasan pa ring dalhin ang kanilang vaccination card, na dapat beripikahin bago ang kanilang pag-alis ng isang certification na inisyu sa pamamagitan ng Certificate of Vaccination Record Portal  ng Department of Information and Communications Technology (DICT) o ng City Health Officer ng local government unit na nagkaloob ng full vaccination.

Ayon sa resolution ng IATF-MEID, ang Bureau of Quarantine (BoQ) ay may mandatong tiyakin ang mahigpit na symptom monitoring ng fully vaccinated individuals habang nananatili sila sa isolation facility.

Ang mga fully vaccinated individual ay inaatasan ding sumailalim sa  self-monitoring sa loob ng pito pang araw matapos ang kanilang quarantine period.  LIZA SORIANO

4 thoughts on “(Sa fully vaccinated sa low risk countries) QUARANTINE PINAIKLI SA 7 ARAW”

  1. 973818 635804Hello, Neat post. There is an problem along together with your internet site in web explorer, could test thisK IE nonetheless will be the marketplace leader and a huge portion of other men and women will miss your magnificent writing because of this difficulty. 966820

Comments are closed.