(Sa gagawing pag-uwi sa Filipinas para makatulong sa gov’t. railway projects…) 60 PINOY ‘TRAIN ENGINEERS’ PINURI

Romeo Momo Sr.

PINAPURIHAN  ni House Committee on Transportation Vice-chairman at party-list Constructions Workers’ Solidarity (CWS) Rep. Romeo Momo Sr. ang nakatakdang pagba­balik-bansa ng nasa 60 Pinoy train engineers upang makatulong sa isasagawang ‘sub-way’ at ‘railway projects’ ng administrasyong Duterte.

Ayon sa CWS party-list lawmaker, hindi lamang ang sambayanang Filipino ang magagalak sa pag-uwi sa Filipinas ng mga engineer na ito para maibahagi ang kanilang nakuhang kaalaman at kasanayan patungkol sa train constructions, system at management kundi maging ang kani-kanilang pamilya.

“That’s good because they do not only bring the expertise they learn from countries with long and successfully managed subways and railways but also allows them to be closer with their families and siblings,” ang naging pahayag pa ni Momo, na siya ring vice-chairman ng house committee on public works and highways at appropriations committee.

Mismong si Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang nagpabatid sa gagawing pagpasok sa government railway projects ng mga Filipinong inhinyero na ito, na sa kasalukuyan ay nagsisipagtrabaho sa Bahrain, Qatar at Denmark.

“The engineers said that they want to help build infrastructure in the Philippines, as well as be closer to their families. Pumirma ho sila ng mga application form. Basta maumpisahan lang ‘yung subway project, given a reasonable time, they are ready to come back,” ang sabi ng kalihim.

Sa ilalim ng ‘Build, Build, Build Program’ na inilatag ni Pangulong Rodrigo Duterte, target nito na magkaroon ang bansa ng kauna-unahang ‘sub-way train’ sa Metro Manila gayundin ang railway network system sa rehiyon Mindanao.

Kaya naman sinabi ni Momo na talagang kakailanganin ng pamahalaan, partikular ang DOTr na siyang magpapatupad sa nasabing mga proyekto, hindi lamang ng skilled workers sa lara­ngan ng construction kundi ma­ging ng engineers na mayroong karanasan sa train operations.

Subalit umaasa ang CWS party-list congressman na mabibigyan ng kaukulang sahod at iba pang benepisyo ang uuwing train engineers upang mas maging inspirado sila sa pagganap sa magiging trabaho nila dito.

“I only hope that with so much knowledge and expertise they will bring home to our country, government and/or companies will not shortchanged them with low compensation and other allowances.” Pagbibigay-diin ni Momo. ROMER R. BUTUYAN

Comments are closed.