NGAYONG papalabas na ang movie nila ni Kathryn Bernardo at tapos na rin ang ngaragang promo nilang dalawa sa first ever movie nilang magkatambal ang “Hello Love, Goodbye” ng Star Cinema ay tututok naman ang Pambansang Bae Alden Richards sa bago niyang teleseryeng gagawin sa GMA-7, pagkatapos ng “Victor Magtanggol.”
May pagka-thriller ang bagong soap na nakatakdang simulan ni Alden, dahil mayroon siyang special talent, ang pagkakaroon ng third eye na nakakakita siya ng mga paranormal phenomena.
Kung hindi masyadong nagklik ang tambalan nila nina Janine Gutierrez at Andrea Torres, ngayon naman ay nasa planning stage na ang GMA-7 kung sino ang magiging bagong leading lady ni Alden at kung sino-sino ang mga makakasama niya sa “The Gift”. First time para kay Alden na lumabas sa isang teleserye na may pagka-horror ang tema at excited na ang Pambansang Bae na masimulan na ito.
KIM DOMINGO MAY HINDI NAKIKITANG STALKER
MAY takot man ay pilit na nilalabanan ni Kim Domingo ang kanyang nararamdaman nang sabihan siya ng isang paranormal expert na ang kanyang dressing room sa set ng “Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko” ay may isang matandang babaeng nagmumulto. Buti na lang daw at hindi siya nag-iisa sa dressing room, andu’n din si Megan Young na ka-share niya.
Maging si Megan ay batid ang binulgar ng naturang eksperto, pero dahil nga in tandem sila ay dedma na lang dalawa. Nagpadagdag pa ng lakas ng loob kay Kim ay ang nasabing nagpaparamdam na multo ay hindi naman daw bad spirit. Para tuloy may stalker o guard ang dalawa nagbabantay sa kanila sa dressing room.
Ang isang masasabing dahilan kung bakit kahit may takot sa ginagawang teleserye ay ang kanyang karakter.
Say ni Kim, hindi niya ire-reveal sa ngayon pero may twist ang kanyang role, kakaiba raw ito at hindi pa niya nagawa. Tiyak pati ang televiewers ay mabibigla rin daw sa unti-unting pagbabago ng kanyang karakter.
Sa ngayon kasi ay bespren siya ni Megan sa naturang soap.
And speaking of Megan, say pa rin ni Kim, hindi niya inaakalang ang isang tulad ni Megan na dating Miss World title holder ay sobrang simpleng babae lang daw sa tunay na buhay. Halos iisa lang daw ang hilig ng kanilang pananamit at kilos. Iba naman kasi ang upbringing kay Kim, lumaki siya sa lola na talaga namang nagdaan sa matinding hirap sa buhay. Samantalang si Megan ay nakaluluwag kahit paano sa buhay ang kanyang pamilya.
Comments are closed.