MAAARI pang mag-operate ang mga gym at spa habang pinapayagan ang turismo sa Metro Manila at sa apat na kalapit na lalawigan na tinatawag ng pamahalaan na NCR Plus kasunod ng pagsasailalim sa mga ito sa mas mahigpit na general community quarantine para mapigilan ang paglobo pa ng kaso ng COVID-19.
Ayon kay presidential spokesman Harry Roque, ang mga fitness center at gym ay pinapayagang mag-operate sa 75-percent capacity sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal, “subject [to] safety protocols and minimum public health standards.”
“Pero ang mga ito po’y nakadepende rin sa inyong lokal na pamahalaan kung sila’y naglalabas ng ordinansa na nagsususpinde nito,” wika ni Roque sa isang press briefing.
Ang mga personal care service, kabilang ang spas, ay maaari aniyang mag-operate sa 50-percent capacity.
Ang turismo ay pinapayagan sa NCR Plus, halimbawa ay patungong Tagaytay mula Metro Manila, ayon kay Philippine National Police officer-in-charge Lt. Gen. Guillermo Eleazar, commander ng Joint Task Force COVID Shield.
“Mayroon namang mga guidelines na inilabas ang ating Department of Tourism regarding doon sa mga bata at matatanda kung kasama sila, pati na rin sa reservation, and iyong mga protocol nung hotel na accredited na pupuntahan,” wika ni Eleazar sa parehong briefing.
“Ang hindi lang pupuwede is for example lalabas ka ng bubble natin… Kung ikaw ay nasa from Manila, pupunta ka sa Boracay, iyon ang magiging problema natin,” dagdag pa niya.
Nauna nang sinabi ni Roque na kabilang sa restrictions sa NCR bubble ay ang night curfews at ang pagbabawal sa mass gatherings.
915772 386839dude this just inspired a post of my own, thanks 67534
693444 381965My brother suggested I would possibly like this weblog. He was once entirely right. This submit in fact created my day. You cant believe just how so significantly time I had spent for this details! Thank you! 656302
379553 834494Some actually fascinating info , nicely written and broadly speaking user pleasant. 931961