PINAALALAHANAN ng Philippine Embassy sa Tripoli ang mga Pilipino sa Libya na maging maingat kasunod ng mga armadong tunggalian sa isang lugar sa lungsod.
“Armed conflicts have been reported early this morning as of May 12, 2022, in Tripoli. The public is advised to avoid Seaside Road, Omar Mukhtar and Al Jalila Streets, and other nearby affected areas,” ayon sa embahada.
“Please take extra precautions and maintain situational awareness at all times as we monitor the situation,” dagdag pa nito.
Sakaling may mga emergency incident, maaaring makipag-ugnayan ang nga Pinoy sa:
ATN Hotline: 0944541283
Consula
Hotline: 0926976523
Email:[email protected]
Sinabi ng Embahada na ang lahat ng serbisyo ng konsulado ay sinuspinde simula Mayo 17.
Ang mga sagupaan ay iniulat na nagsimula sa Janzour area, isang may malaking populasyon na lugar sa Tripoli, noong Mayo 15, kung saan nagkaroon ng sunog at paggamit umano ng armas. LIZA SORIANO