ANG isang awitin na minsan nang nagbuklod sa mga Pilipino noong idaos ang 2019 South East Asian Games ay muling isinulat at nire-arrange ang music, pinalitan at iniba ang lyrics para maging angkop sa ating napapanahong pagsubok dahil sa COVID-19.
Titled “We Heal As One,” ating panoorin (ipinalalabas ito madalas sa mga TV networks during station breaks), pakinggan (nai-share na ito sa Facebook at iba pang social media platforms) at pagkunan ng inspirasyon para sa pagkakaisa nating mga Pilipino.
Mula sa mga taong nasa likod ng 2019 Philippine South East Asian Games Opening Ceremony kasama ang ating world-class Filipino singers, nabuo ang kanta mula sa kani-kanilang mga tahanan.
Ang mga Original Pilipino Music (OPM) artists na nagbigay ng oras nila, (in order of appearance), sina Inigo Pascual, Julie Anne San Jose, Jed Madela, Pops Fernandez, Mark Bautista, Jamie Rivera, Rita Daniela, Paolo Valenciano, KZ Tandingan, Aicelle Santos, Isay Alvarez, Menchu Launchengco, Ogie Alcasid, Michael Williams, Robert Sena, Alden Richards, Ken Chan, Christian Bautista, Martin Nievera, Sarah Geronimo, Bamboo, Lani Misalucha, Gary Valenciano, Apl de Ap at Lea Salonga.
Music by Maestro Ryan Cayabyab, title & lyrics by Floy Quintos, music arrangement by Jimmy Antiporda, music producer is Eloisa Matias, Music Video Director is Frank Lloyd Mamaril.
Salamat sa mga gumawa ng music video. Kasama pa rin sa video ang panawagan na suportahan, tulungan at ipagdasal ang ating mga magigiting na bayaning frontliners. At ang panawagan din nilang STAY HOME!
MAINE MENDOZA NAGPAPADALA NG FINANCIAL SUPPORT THRU HER DONATION DRIVE
NOONG March 27, inilunsad na at nag-premiere sa YouTube ang #ParangKailanLang Music Video ni phenomenal star Maine Mendoza, isa sa recording artist ng Universal Records Phils, after mag-top ang kanyang first single sa iTunes, Spotify at iba pang music platforms.
This month of April din, si Maine ang magiging Celebrity DJ ng MYX.
Meanwhile, umabot na sa P587,677.92 ang mga donations na natanggap ni Maine sa kanyang DoNation Drive. Nakapagpadala na siya ng financial support sa may 587 families sa nakaraang 6 na araw sa pamamagitan ng GCash. May accounting si Maine sa mga naipadala na niya at pwede itong makita sa the DoNationdrive.wordpress.com
Comments are closed.