(Sa gitna ng COVID-19 na pandemiko) SPECIAL EMERGENCY ALLOWANCE NA P5K SA 25K SCHOLARS IPAPAMAHAGI NG TAGUIG CITY

Lino S. Cayetano

IPINAG-UTOS ni Taguig City Mayor Lino S. Cayetano sa Taguig Scholarship Office at ang Barangay Affairs Office na ipamahagi ang P5000 Special Emergency Assisatance to Scholars (SEAS) simula Abril 20, 2020 upang matulungan ang mga scholars at ang kanilang mga pamilya sa gitna ng ipinatupad na enhanced community quarantine bunsod ng pandemikong COVID-19.

Ang SEAS ang magko-cover ng halos 25,000 scholars na nasa ilalim ng City Scholarship Programs katulad ng Lifeline Assistance for Neighbors In-need (LANI) Scholarship Program, Taguig City University (TCU) Educational Assistance Allowance, at ang Taguig Learners Certificate (TLC) Scholarship Program.

“Ito ay isa pang aktibong hakbang upang palawakin ang tulong na ipinapamahagi sa aming mga residente,” sabi ni Mayor Lino Cayetano. “Sa pagdisenyo ng support program na nakapalibot sa ating mga scholars, pinatitibay nito ang aming pangako tungo sa kapakanan ng mga kabataan kahit sa gitna ng malubang mahirap na panahon.”

Ang cash assistance na ito ay lubos na makatutulong sa pamilya ng mga scholars, o hanggang sa 125,000 katao.

Ang relief fund na ito ay ninanais na makatulong sa mga pamilya ng schoalrs at sa diwa ng bayanihan, palawigin ang tulong sa mga taong nangangailangan din.

Ang nabanggit na cash asssitance ay bukod pa sa ibang mga relief programs ng Taguig, katulad ng assistance para sa mga nagmamaneho ng mga pampublikong sasakyan, “stay-at-home” food and nonfood packs, at ang anti-COVID kits.

“Ang lungsod ng Taguig ay kilala sa ating bansa sa ng pag-tulong sa mga mag-aaral na makamit ang kanilang mga pangarap. Gusto namin siguraduhin na ang pagmamahal sa pag-aaral ay nababanat kahit sa gitna ng krisis” dagdag pa ni mayor.

Mula nang mag-umpisa ito noong 2011, sa pamamagitan ng pagpupunyagi ng dating Senador at ngayong House Speaker Alan Peter Cayetano at dating Taguig City Mayor at ngayong Congresswoman Lani Cayetano, ang komprehensibong scholarship program ng lungsod ng Taguig ay napakinabangan ng 55,000 scholars sa higit sa 200 na kolehiyo at unibersidad.

Higit sa 8,000 scholars na ang nakakuha na ng degrees kasama dito ang 25 na doctorate degree at 328 na mayroong masters degree. Kabilang sa mga nakakamit ng degree ay 2,691 lisensyadong propesyunal na binubuo ng engineers, teachers, nurses, accountants, psychometricians, criminologists, lawyers, architects and medical doctors. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM