HALOS limang milyong Filipino ang nawalan ng trabaho dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic hanggang noong Disyembre ng nakaraang taon, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III.
Sa panayam ng ANC, inamin ni Bello na ang bilang, sa katunayan, ay kaunti dahil ilan sa mga empleyadong pansamantalang natanggal sa trabaho ay na-rehire na.
“As of December, umaabot lang po ng mga around a little less than 5 million,” he said.
“Kaunti talaga kasi kagaya ng sinabi ko mayroon ‘yung about 3 million natanggal pero temporary. Under the law, after six months they have to be rehired,” dagdag pa niya.
Sinabi pa ni Bello na ilang employers at workers ang nagkasundo na palawigin ang period ng lay-off ng anim na buwan pa.
Comments are closed.