CAMP CRAME- TUMAAS pa ng 300% ang bilang ng mga nakumpiskang baril kahit pa nahaharap ang bansa sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay PLt. Gen. Guillermo Eleazar, PNP Deputy Chief for Operations at Task Force COVID-19 Shields commander, hindi napigilan ng coronavirus disease (COVID-19) ang pagtugis ng pulisya sa mga loose o undocumented firearms sa bansa.
Umaabot sa 584 firearms na iba’t ibang kalibre ang nakumpiska ng Supervisory Office for Security and Investigation Agency (SOSIA) mula Enero hanggang Hunyo ng taong 2020 sa kanilang post-to-post inspection sa buong bansa.
Pahayag pa ni Eleazar, resulta ito ng kanilang agresibong kampanya kontra unregistered guns at firearms with expired licenses mula sa mga security guards at security and investigation agencies na base sa kautusang ibinaba ni PNP Chief General Archie Francisco Gamboa na paigtingin ang kampanya laban sa loose firearms. VERLIN RUIZ
Comments are closed.