(Sa gitna ng COVID-19 pandemic) PAMILYANG NATULUNGAN NG PAMAHAALAN, 4-M NA

Pamahalaan

NASA  apat na milyong  pamilya na ang nakatanggap ng tulong pinansiyal mula sa pamahalaan.

Ito ay mula sa 18-milyong pamilya na pinaka-apektado ng umiiral na enhanced community quarantine (ECQ).

Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Undersecretary Milo Gudmalin, inaasahan nang dumoble ang bilang ng mga makatatanggap ng ayuda mula sa pamahalaan sa mga darating na linggo.

Matatandaang nasa P200-bilyon ang inilaang emergency aid ng pamahalaan para sa mga apektado ng ECQ na ipinatupad upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.