(Sa gitna ng COVID-19 pandemic) PINAY MARTIAL ARTIST TULOY ANG TRAINING SA BANGKOK

Denice Zamboanga

SA pagpapatupad ng travel restrictions sa Bangkok sa gitna ng COVID-19 pandemic, kailangang manatili muna ni mixed martial arts fighter Denice Zamboanga sa Thai capital habang ipinagpapatuloy niya ang kanyang training.

Nagbukas din ito ng pagkakataon para makabalik siya sa One Championship kung saan sinimulan na ng promotion ang pagbabalik-aksiyon sa Bangkok sa pamamagitan ng bubble.

“I just want to stay ready, because anytime, I can get called up to compete now that One Championship is hosting events here in Thailand,” wika ni Zamboanga, ang kasalukuyang  top ranked women’s atomweight fighter sa One..

“I’m just waiting for that call from One Championship. [I] need to stay as sharp as possible, because the world title shot is just around the corner.”

Ang One fight card ay nakatakda sa Biyernes, habang tatlong iba pa ang idaraos sa Agosto. 28, Setyembre 11 at Setyembre 18.

Ang lahat ng events ay gaganapin mg closed doors sa  Impact Arena sa Bangkok.

Sa kasalu­kuyan, si Zamboanga, ang kanyang kapatid na si Drex, ang kasalukuyang  bantamweight champion ng Universal Reality Combat Championship, at kaibigang si  Fritz Biagtan ay magkakasamang nagsasanay sa Bangkok.

“I’m very lucky because I can still do what I love to do,” ani Zamboanga. CLYDE MARIANO

Comments are closed.