(Sa gitna ng COVID-19) SHARON CUNETA NAGPAALALA:  PRAY, TUMULONG  SA MGA ‘DI MAKAKUHA NG PAGKAIN

Sharon cuneta

INSPIRING ang ipinost na mensahe ni Megastar Sharon Cuneta sa kanyang Facebook account para sa mga Pilipino at sa kinakaharap nareflection sitwasyon ng bansa dahil sa COVID-19 pandemic.

“Sa nangyayari ngayon sa mundo at mahirap man tumingin sa positibo o kahit magkaroon ng pag-asa, kailangan natin gawin at magkaroon ng mga ito upang ngumiti at huwag na huwag mawalan ng pag-asa mula sa ating paggising hanggang sa pagtulog,” simula ni Sharon.

Naniniwala si Mega na darating din ang umaga para sa ating lahat.

“Matatapos din ito. Pilipino tayo, marami nang pinagdaanang malulupit na panahon dulot ng bagyo, baha, lindol, bulkan, at kung ano-ano pa. Siguro masyado nang mabilis ang ating mundo…baka nakalimutan na natin ang tunay na mahalaga sa buhay…at karamihan sa atin, bukod sa ating mga kababayan na araw-araw kailangan magtrabaho para may maiuwing pagkain sa kanilang mga minamahal na pamilya, ay ‘di nakakakita na halos lahat pala ng kailangan natin ay nasa atin na.”

Nakalimutan na raw natin ang makuntento. At higit sa lahat, nakalimutan na raw natin siguro ang tumawag sa Panginoon kahit wala tayong problema o kinakailangan.

“Nagpapaalala lang ang ating Ama. Kapit lang. Magtulungan tayo. Walang iwanan. Kaya dumarating ang delubyo kasi sobrang galing nating mga Pinoy. Mahal ko kayong lahat. Tumulong tayo sa mga walang paraang makakuha ng makakain sa araw-araw.”

At sa frontliners, di rin naman daw nila kagustuhang dumami pa ang magkasakit at ma-expose ang mga doktor at healthcare workers sa posibilidad na mahawa. Tulad na lamang ng mga pulis at sundalo sa mga kalye.

“Sa init at gutom at takot na mahawa, di rin naman nila gusto yon. Kung kaya natin, abutan na lang sana natin sila ng maiinom, makakain, at magsabi ng “Thank you po sa ginagawa ninyo.”  Yun lang po. Ingat po kayong lahat.”

Sa kanyang panghuling mensahe,  “If you don’t have to go out, stay home and take advantage of this time with your family and don’t forget time for yourself. PRAY. May God bless us all! Love and tight hugs from all of us from our home.  ”

 

PAULO AVELINO  PRODUCER NA RIN

POSITIBO ang Kapamilya star na si Paulo Avelino na magugustuhan  ng mga manonood ang latest film niya, ang “Ngayon Kaya” na dinirek PAULO AVELINOni Prime Cruz under T-Rex Entertainment.

Bukod sa pagiging bida ng “Ngayon Kaya,” isa rin si Paulo sa mga producer  ng pelikula.

Paulo’s own production outfit WASD Films is co-executive producer of the movie with T-Rex Entertainment,  businessman Rex Tiri’s film outfit.

Si Paulo rin daw ang nakaisip ng pamagat ng latest movie niya with Janine Gutierrez.

“Nasa set kami nu’n at nag-iisip kami ng title. Naisip ko lang bilang miyembro ng cast at isa sa mga nagtratrabaho sa pelikula, paano kung ‘Ngayon Kaya’? Ang dami kasing puwedeng ipahiwatig sa dalawang salitang ‘yun. At lahat ng mga ibig sabihin makikita mo sa istorya ng pelikula. Ang tagal kong nilaban ang title. ‘Yung suggestion ko rin ang final choice,” kuwento ni  Paulo.

Kabilang din ang “Ngayon Kaya” sa walong official entries sa  2020 Summer Metro Manila Film Festival na pansamantalang nahinto dahil sa Covid-19 pandemic.

Kabilang din sa “Ngayon Kaya” sina Alwyn Uytingco, John James Uy, Donna Cariaga, Shara Dizon and Ms. Rio Locsin.

4 thoughts on “(Sa gitna ng COVID-19) SHARON CUNETA NAGPAALALA:  PRAY, TUMULONG  SA MGA ‘DI MAKAKUHA NG PAGKAIN”

  1. 678291 989028Youre so cool! I dont suppose Ive read anything in this way before. So good to uncover somebody with some original concepts on this subject. realy appreciate starting this up. this excellent web site is something that is necessary more than the internet, a person if we do originality. valuable function for bringing something new towards the internet! 543759

Comments are closed.