(Sa gitna ng inaasahang La Niña) PRESYO NG BILIHIN BANTAY-SARADO

NANGAKO ang Department of Trade and Industry (DTI) na paiigtingin ang pagbabantay sa presyo ng mga bilihin sa buong bansa upang protektahan ang mga consumer mula sa price manipulation at pagsasamantala sa gitna ng nakaambang La Niña phenomenon.

“DTI’s commitment to diligent nationwide price monitoring remains unwavering. We are intensifying our efforts to ensure even more effective oversight, particularly as we brace for the impacts of La Niña,” wika ni DTI Secretary Alfredo Pascual.

Ginawa ni Pascual ang pahayag makaraang sabihin ni Department of National Defense (DND) Secretary at Task Force El Niño Chairperson Gilberto Teodoro noong Linggo na isa sa mga prayoridad ng pamahalaan ay ang pagtugis sa mga hoarder at price manipulators na magsasamantala sa publiko bago at sa panahon ng La Niña.

Tiniyak din ni Teodoro sa DTI at sa Department of Agriculture (DA) ang suporta nito sa pagtugis sa mga hoarder at price manipulator.

“The Department of Trade and Industry wholeheartedly welcomes the strong stance and support pledged by the Secretary of the Department of National Defense in our joint efforts to combat price manipulators and protect consumers during the anticipated La Niña weather phenomenon,” ani Pascual.

Aniya, mahigpit na nakikipag-ugnayan ang DTI sa Department of the Interior and Local Government (DILG) upang i-reactivate ang Local Price Coordinating Councils (LPCCs), na gumaganap ng mahalagang papel sa pagbabantay sa mga presyo sa local level at tinitiyak ang pagsunod sa mga regulasyon.

Sa ilalim ng Section 4 ng implementing rules and regulations ng Republic Act 7581, ang LPCC ay may mandatong i-coordinate at i-rationalize ang mga programa upang mapatatag ang presyo at suplay ng member agencies sa kani-kanilang lalawigan, bayan, at lungsod.

Maaari ring magrekomenda ang LPCC ng suggested retail prices at price ceilings para sa ilang basic necessities at/o prime commodities sa kani-kanilang lugar sa National Price Coordinating Council o sa implementing agencies.

Ayon sa DTI, iniulat ng DILG na may 1,335 reactivated LPCCs, o 78 percent ng  1,716 LGUs.

Pinaalalahanan ni Pascual ang publiko na sa mga lugar na idineklara ang state of calamity dahil sa La Niña ay awtomatikong ipatutupad ang price freeze.

“The DTI is steadfast in enforcing these regulations, and any individuals caught engaging in illegal price manipulation will be prosecuted to the fullest extent of the law. This coordinated effort between the DTI, DND, DA, and DILG is aimed at ensuring fair prices and protecting the welfare of consumers across the nation,” sabi ni Pascual.                                 

(PNA)