(Sa gitna ng lockdown) INVESTMENT SCAMS LUMOBO

Emilio Aquino

TUMAAS ang bilang ng advisories para balaan ang publiko laban sa investment scams noong 2020, ayon sa Securities and Exchange Commission (SEC).

Sa isang virtual briefing, sinabi ni SEC chair Emilio Aquino na ang advisories kontra investment scams na ipinalabas ng SEC ay umabot sa 127 noong 2020 kung saan hanggang 38 ang inisyu noong enhanced community quarantine, mula sa 65 lamang noong 2019.

“In the ECQ period alone, there were, I think, 37-38 advisories were issued in that short span of time, because apparently, scammers took advantage of the fact that people are confined to their homes,” sabi ni Aquino.

“We have to be vigilant we have to do internet sweep operations, just so they don’t take advantage of our Kababayans,” dagdag pa niya.

Milyon-milyong Filipino ang napilitang manatili sa kanilang mga tahanan nang ipatupad ang COVID-19 lockdown noong mid-March ng nakaraang taon  kung saan karamihan sa mga ito ay umasa sa online services para sa kanilang mga pang-araw-araw na pangangailangan.

“Reports of investment scams started to wind down with only 9 groups flagged as of the first 2 months of 2021,” ayon sa SEC.

Gayunman, sinabi ni Aquino na kailangang manatiling mapagbantay ang mga Filipino laban sa mga scammer na nagsasamantala sa mga desperadong gumanda ang pamumuhay.

“So long as our kababayans are, you know, in difficult financial situation, they are vulnerable to scams. Out of desperation, not even greed, they resort to all, you know, these get rich quickly scams, because they want money, somehow they need money to pay for their rent or their debts. So easily they are lured into these investment schemes which are illegal,” aniya.

4 thoughts on “(Sa gitna ng lockdown) INVESTMENT SCAMS LUMOBO”

  1. 476195 291074Howdy! Would you mind if I share your weblog with my twitter group? Theres plenty of folks that I feel would really enjoy your content material. Please let me know. Thanks 788499

Leave a Reply

Your email address will not be published.