SA PAGKUMPIRMA ng unang kaso ng novel coronavirus infection sa bansa, tinitingnan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang paglalagay ng ilang imported products mula China ng mas masusing testing o pag-iiksamen para sa kaligtasan ng kalusugan bago ito i-release sa publiko.
Sa isang National Press Club’s Report to the Nation forum, sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na nakikipagdiskusyon ang DTI sa Department of Health (DOH) para magkaroon ng listahan ng mga produkto na dadaan sa undergo laboratory tests.
“Kung ano-anong produkto ‘yun, ‘yun ang ire-review namin ngayon, kung anong produkto ang palalagyan natin ng tests,” sabi ni Lopez.
Sa isang kumpirmadong kaso ng infection sa bansa, nakapagrekord din ang health authorities ng 56 suspected cases nitong Biyernes, halos doble sa nagdaang record noong Enero 29.
“Wala pa kaming decision for now but definitely ‘yan ang magiging direksiyon in the next three days, ‘yung pagkakaroon ng testing ng mga ini-import dito,” sabi ni Lopez.
“Pag-in-import, kukuha ng sampling tapos iti-test bago ilabas ng Customs,” sabi niya.
Ang China ang nangungunang trading partner ng Filipinas na may kabuuang trade na nagkakahalaga ng $16.43 billion, kasama ang $4.62 bilyon ng export receipts at $11.8 bilyong sa import receipts hanggang sa huling semestre ng 2019.
Umabot na ang death toll sa China sa 213 noong Biyernes ng umaga habang nasa 10,000 ang infected sa pagkalat ng virus sa 18 bansa.
Nagdeklara na ang World Health Organization ng outbreak bilang global health emergency.
Comments are closed.