MASIGLA pa rin ang export industry ng bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic at ng nagpapatuloy na community quarantine measures, ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Lopez na ang export revenues noong Marso 2021 ay nagpakita sa katatagan ng industriya sa kabila ng epekto ng pandemya.
Nauna rito ay iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na tumaas ang export revenues para sa Marso ngayong taon sa 31.6 percent sa USD6.68 billion mula sa 5.8-percent decline noong Marso 2020 sa USD5.08 billion.
Ayon kay Lopez, ang export revenues noong Marso ay mas mataas pa sa pre-pandemic level.
“We can’t say that it’s only positive growth because 2020 was low since this is the beginning of the pandemic. But even versus 2019, we really saw growth on our exports,” anang kalihim.
Ang paglago ng exports ay dahil, aniya, sa polisiya ng pamahalaan na nagpapahintulot 100 percent operation ng mga kompanya sa export activities.
“The electronics sector that accounted for 60 percent of the country’s exports and the information technology and business process outsourcing (IT-BPO), which is one of the top dollar earners for the country, continued to post growth despite local lockdowns as they were allowed to operate at full capacity.”
Ani Lopez, ang electronics industry ay lumago ng 5 percent habang ang IT-BPO sector ay nagtala ng 2-percent growth bagaman mas mababa sa outlook para sa bawat sektor na 7 percent at 5 percent, ayon sa pagkakasunod.
“This shows resilience despite the pandemic,” anang trade chief.
“I would say (our export industry is) doing well.” PNA
309007 468643learning toys can enable your kids to develop their motor skills quite easily;; 790906
94776 209622I gotta favorite this site it seems invaluable extremely valuable 401892