SA GITNA NG PANDEMYA TULOY ANG GALAWAN SA POLITIKA PARA SA 2022

MAHIRAP ang nararanasan ngayon ng taumbayan sa gitna ng matinding pag-akyat ng bilang ng kaso ng COVID-19.

Pumalo na sa mahigit sa 14,000 ang bilang ng nahahawaan ng nasabing sakit kada araw. Ang ating pamahalaan, sa pakikipagtulungan ng mga LGU, ay ginagawa ang lahat upang mapabilis ang pagbabakuna sa ating mga mamamayan. Ito lamang kasi ang nakikitang lunas upang maproteksiyunan tayo laban sa COVID-19, lalo na at may panibagong variant ang nasabing virus na tinatawag ngayon na Delta na mas mabilis makahawa.

Subalit sa kalagitnaan ng sitwasyon ng pandemya sa ating bansa, hindi maiiwasan ang paggalaw ng mga personalidad natin sa politika bilang preparasyon sa nalalapit na halalan 2022. Nakikita na natin si Sen. Ping Lacson na nakikipag-usap sa kampo ni VP Leni Robredo upang tingnan kung maaaring magkaroon ng political alliance ang kani-kanilang kampo.

Si VP Leni naman ay pinag-iisipan pa kung tatakbo siya sa pagka-pangulo. Tila hindi umaakyat sa survey si Robredo na napupusuan ng taumbayan bilang susunod na pangulo ng Pilipinas bagaman marami ang nagtutulak sa kanya para rito. Nakasisira pa rito ang pahayag ni dating Sen. Antonio Trillanes na gustong maging bise presidente ni Robredo. May mga video na kumakalat sa social media hinggil sa mga nagawa at ginagawa ni VP Robredo para sa bayan. Malinaw na ginawa itong video production upang tumaas ang kanyang survey.

Nandiyan din ang biglang pag-alis sa National Unity Party (NUP) ni Manila Mayor Isko Moreno at sumapi sa Aksyon Demokratiko na itinaguyod ni yumaong Sen. Raul Roco. Hindi kataka-takang isipin ng mga tao na may planong tumakbo sa pagka-pangulo si Isko sa 2022. Biruin ninyo, kabago-bago pa lamang si Mayor Isko sa nasabing partido na medyo nanahimik nang matagal, ay nahalal siya bilang presidente ng Aksyon Demokratiko. Huwaw.

Isa pang napag-uusapan ay si dating Sen. Bongbong Marcos na mataas din ang rating sa mga lumalabas na survey sa pagka-pangulo. May nakikita na akong mga interview ng media sa kanya. Subalit tila mailap siya sa kanyang pahayag. Palagi niyang sinasabi na marami ang maaaring mangyari sa mga susunod na araw bago sumapit ang Oktubre kung saan kailangang mag-file ng ‘certificate of candidacy’ sa Comelec para sa 2022 elections.

Subalit ang personalidad na may pinakamataas na rating sa survey sa pagka-pangulo ay panay ang iwas kung tatakbo siya o hindi. Ito ay si Davao City Mayor Sara ‘Inday’ Duterte. Kaya naman may nagtatag ng isang citizens movement upang hikayatin siya na tumakbo sa pagka-pangulo sa 2022.

Ito ay ang Hugpong para kay Sara (HPS). Tila hawig sa lokal na partidong Hugpong sa Pagbabago (HSP) na itinatag noong 2018. Ayon sa opisyal ng HPS na si Deputy Speaker Bernadette Herrera ng Bagong Henerasyon party-list, ito ay binubuo ng mga negosyante, academics, ekonomista, lokal na mga opisyal, mambabatas at pangkaraniwang mga tao. Ang layunin daw ng grupo ay ang makapagtatag ng plataporma ng pamahalaan para kay Mayor Sara na magsusulong ng interes ng bansa sa susunod na anim na taon matapos ang 2022 presidential polls.

Dagdag pa ni Herrera na sa pamamagitan ng HPS, nais nilang kumbinsihin sa Mayor Sara na tumakbo sa pagka-pangulo sa 2022. Naiintindihan ng HPS na pinag-aaralan pa ni Mayor Sara ito dahil hindi biro ang responsibilidad ng pangulo ng ating bansa. Pero naniniwala sila na husto sa kwalipikasyon si Mayor Sara base sa kanyang track record at ang appeal niya sa masa.

170 thoughts on “SA GITNA NG PANDEMYA TULOY ANG GALAWAN SA POLITIKA PARA SA 2022”

  1. Pingback: 3teaches
  2. Everything about medicine. Some are medicines that help people when doctors prescribe.
    https://stromectolst.com/# ivermectin lice oral
    Everything information about medication. drug information and news for professionals and consumers.

  3. Learn about the side effects, dosages, and interactions. Everything about medicine. can i buy avodart
    drug information and news for professionals and consumers. Get warning information here.

  4. Generic Name. Definitive journal of drugs and therapeutics.
    https://clomiphenes.com can i get generic clomid prices
    Comprehensive side effect and adverse reaction information. What side effects can this medication cause?

  5. Get information now. Some are medicines that help people when doctors prescribe.
    buy propecia prices
    Learn about the side effects, dosages, and interactions. Everything information about medication.

  6. Learn about the side effects, dosages, and interactions. Drugs information sheet.
    best ed drugs
    Drug information. drug information and news for professionals and consumers.

Comments are closed.