SA GITNA NG PANDEMYA, TULOY ANG GALAWAN SA POLITIKA PARA SA 2022 (PART 2)

TULAD  ng tinalakay natin sa nakaraan kong kolum, kanya-kanyang galawan ng mga mga politiko natin na nagnanais tumakbo sa pinakamataas na posisyon sa ating bayan. Nabanggit na natin sina Sen. Ping Lacson, VP Leni Robredo, Bongbong Marcos, Mayor Isko Moreno at ang nangunguna sa mga nakaraang survey na si Davao City Mayor Sara ‘Inday’ Duterte.

Malinaw na tumaas na ang lebel epalan sa mga nahuhuli sa survey. Hindi naman nakapagtataka na kailangan nilang gawin ito upang mas mapansin sila ng mga nakararaming mga botante natin para sa mga susunod na survey, umaasa na aangat pa sila sa ranking. May nakikita na akong ad ni Lacson sa YouTube. Ganun din kay VP Robredo na may video production siya sa kanyang mga ginagawa bilang bise presidente natin para sa Bayan. Si Bongbong Marcos naman ay simple ang kanyang ginagawa sa pamamagitan ng mga radio interviews na pinopost sa social media. Samantalang si Mayor Isko naman ay ginagamit ang kanyang awtoridad bilang punong tagapamahala ng Maynila sa kanyang laban sa pandemyang Covid-19 na palaging napapabalita sa media.

Si Davao City Mayor Sara Duterte naman ay mistulang nananahimik at hindi sumasawsaw sa pamumulitika bagama’t nangunguna siya sa survey. May mga ilang grupo na nakakalat sa ating bansa ang gumagalaw upang itulak na tumakbo si Mayor Sara sa pagkapangulo. Ito nga yung nababalitaan natin na “Run Sara Run”.

Ayon naman sa mga naipahayag sa balita, tila nag-iisip pa si Mayor Sara kung tatakbo siya sa 2022 para pangulo. Ani nga ni Rep. Bernadette Herrera ng Bagong Henerasyon party-list, na naiintindihan ng mga sumusuporta kay Mayor Sara na pinag-aaralan pa niya ito dahil hindi biro ang responsibilidad ng pangulo ng ating bansa. Pero naniniwala ang mga supporter ni Inday Sara sa kuwalipikasyon at sa kanyang track record at apela niya sa masa.

Ngayon naman ay may dalawa pa akong hindi nabanggit na nais din tumakbo sa pagkapangulo. Ito ay nagkakagulong paksyon sa loob ng PDP-Laban. Sila ay sina Senador Manny Pacquiao at Bong Go.

Sa dalawa, mas angat sa survey si Pacquiao. Si Sen. Go naman ay marami pang kailangan gawin upang masabing may laban siya sa 2022 presidential election. Masalimuot sa nasabing partido. Bagama’t sila ngayon ang pinakamalaking partido politikal sa ating bansa, maaring magkandawatak-watak ito kapag mapagpatuloy ang hidwaan ng dalawang nasabing paksyon. Kung ganito ang mangyari, mas lalong nawawala ang suporta at impluwensya para kay Sen. Go.

Tandaan, ang pahayag ni Sen. Go ay hindi siya tatakbo sa pagkapangulo kapag hindi niya bise presidente si Pangulong Duterte. Naglagay na siya ng kondisyon. Ang tanong tuloy ng iba kay Sen. Go ay kung ginagawa niya ito para sa bayan o para sa kanilang dalawa ni Pangulong Duterte? Parang hindi yata maganda sa pulso ng bayan na maaaring magkaroon tayo ng presidente at bise presidente na parehas na taga-Davao City o sa Mindanao.

Para naman kay Sen. Manny Pacquiao, malaking bagay ang magiging resulta ng laban niya kay WBA welterweight champion na si Yordenis Ugas. Kapag nanalo si Pacquiao sa pamamagitan ng matinding knockout, tiyak na tataas ang ranking niya sa mga susunod na survey. Babalik siya sa Pilipinas bilang isang bayani na nakapagtala muli ng kakaibang record sa kasaysayan ng boksing.

Ang problema na lamang ni Pacquiao sa pagbalik niya sa Pilipinas ay kung makakabalik pa siya sa partido niya PDP-Laban o kaya naman ay kung may mag-aampon sa kaniya tulad ng nangyari kay Mayor Isko na biglang inampon ng Aksyon Demokratiko.

Marami pa ang mangyayari bago sumapit ang buwan ng Oktubre kung saan ang mga nais kumandidato sa 2022 elections ay magpa-file ng kanilang certificate of candidacy. Haaay…POLITIKANOBELA!

5 thoughts on “SA GITNA NG PANDEMYA, TULOY ANG GALAWAN SA POLITIKA PARA SA 2022 (PART 2)”

  1. 554105 776427Satisfying posting. It would appear that lots of the stages are depending upon the originality aspect. Its a funny thing about life in case you refuse to accept anything but the most effective, you extremely often get it. by W. Somerset Maugham.. 93341

  2. 625631 244880Hello! I could have sworn Ive been to this internet site before but soon after browsing by way of some with the post I realized it is new to me. Nonetheless, Im certainly happy I located it and Ill be book-marking and checking back regularly! 713169

  3. 502496 605847Exceptional read, I just passed this onto a colleague who was performing a little research on that. And he in fact bought me lunch as I identified it for him smile So let me rephrase that: Thank you for lunch! 461623

Comments are closed.