TUMAAS ang benta ng mga sasakyan mula Enero hanggang Abril ngayong taon ng 36.3 percent sa 88,155 units mula 64,675 units sa kaparehong panahon noong 2020, ayon sa Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines, Inc. (CAMPI) at Truck Manufacturers Association.
Ang passenger car at commercial vehicle segments ay kapwa nagtala ng double-digit growth sa naturang panahon.
Ang benta ng passenger cars ay tumaas ng 54 percent sa unang apat na buwan ng taon sa 27,425 units mula sa 17,812 units sa kahalintulad na panahon noong nakaraang taon.
“Growth of commercial vehicle sales was slower at 29.6 percent, selling 60,730 units in January to April this year from 46,863 units in 2020,” ayon sa report.
Kumpara noong April 2020, ang joint sales reports ng industry groups ay umangat ng 13,315.8 percent mula 133 units sa 17,843 units noong nakaraang buwan.
Magugunitang isinailalim ang buong Luzon sa enhanced community quarantine (ECQ), ang pinakamahigpit na lockdown measure, noong April 2020.
Gayunman, ang month-on-month sales ay nagtala ng r13.8-percent drop mula 20,702 units noong March 2020.
Ayon kay CAMPI president Rommel Gutierrez, ang pagbaba sa sales ay dahil sa mas mababang demand sa gitna ng muling pagsasailalim sa mas mahigpit na quarantine measures sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal.
“Additionally, tighter bank lending continues to dampen the demand for consumer spending especially for big-ticket items like auto amid the pandemic,” aniya. PNA
851550 468054Hello, Neat post. Theres an concern together with your internet site in web explorer, may well check this? IE still will be the marketplace leader and a huge component to folks will omit your great writing because of this issue. 364742
631772 247670There is noticeably a great deal of dollars to understand about this. I assume youve made certain nice points in capabilities also. 721491