(Sa gitna ng serye ng taas-presyo) EXCISE TAX, VAT SA PETROLYO ALISIN

petrolyo

UMAPELA  ang isang consumer group sa pamahalaan na alisin muna ang excise tax at value added tax (VAT) sa produktong petrolyo sa gitna ng serye ng pagtaas ng presyo nito na inaasahang magpapatuloy hanggang Mayo.

“That is a good ayuda, ayuda na ‘yan no sa lahat ng mga consumers hindi ka mahihirapan sa mga fleet cards, ‘di ka na mahihirapan sa distribution sa mga barangay, and then across the sector, all consumers,” sabi ni Laban Konsyumer President Victor Dimagiba.

Sa kuwenta ng Department of Energy (FOE), P10 agad ang mababawas sa presyo ng gasolina, P6 sa diesel at P5 sa kerosene sa sandaling  tanggalin ito.

Nauna nang isinulong ng DOE ang pagtanggal sa excise tax at VAT sa petrolyo para mapagaan ang epekto ng taas-presyo  pero tinutulan ito ng Department of Finance (DOF) sa Kongreso dahil malaki ang mawawala sa gobyerno.

Subalit iginiit ni Dimagiba na hindi mababangkarote ang gobyerno.

“‘Yung tariff nun, ‘yung duty nun ‘di  naman kasali sa aming proposal eh, VAT lang at saka excise taxes.”