HALOS 500 Pinoy ang nakabalik na sa bansa sa gitna ng nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Ukraine at ng Russia, ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
“Patuloy ang effort ng repatriation dito. Sa huli kong pagtingin sa mga talaan mag-halos maglilimang daan na ang napauwi mula sa Ukraine,” wika ni OWWA Administrator Hans Leo Cacdac.
Ayon kay Cacdac, karamihan sa repatriated Pinoys ay seafarers na naipit sa gitna ng giyera. Aniya, ang manning agencies ay nakapagpauwi na ng 300 seafarers.
Ilang Pinoy ang nagpasiya aniyang manatili sa Ukraine dahil nakapag-asawa na sila roon at may mga pamilya na.