(Sa gov’t workers na tatamaan ng COVID-19) DAGDAG NA 30-DAY LEAVE CREDIT

Rolando Ledesma Macasaet

IMINUNGKAHI ni GSIS Chairman Rolando Macasaet na bigyan na lamang ng dagdag na 30- day leave credit ang mga empleyado ng gobyerno sakaling tamaan ng COVID-19 at maubos ang sick leave.

Sa virtual hearing ng House Defeat COVID-19 Committee Economic Cluster, sinabi ni Macasaet na ito ang kanyang nakikitang win-win solution para sa pamahalaan at empleyado.

Base sa isinusulong na Philippine Economic Recovery Act o PERA Act ng mga mambabatas, nais nilang maglaan ng P1 billion na pondo para sa sosobrang sick leave ng mga government employee na magkakasakit o tatamaan ng COVID-19.

Pero ayon kay Macasaet, mas mabuti  na i-convert na lamang ito bilang leave credit  upang hindi na rin maglabas ng pondo ang pamahalaan.

Aniya pa, ang P1 billion ay maaaring ilaan ng pamahalaan sa pribadong sektor na nangangailangan din ng tulong. CONDE BATAC