Nakapagtala ng panibagong record ang bansa sa Guinness World Records matapos masungkit ng National Federation of Hog Farmers ang titulo para sa “Most Variety of Pork Dishes on Display” sa kanilang Hog Festival 2024 sa Cubao, Quezon City nitong Biyernes.
Sa pahayag ng opisyal na adjudicator ng Guinness na si Sonia Ushirogochi ay nasa 340 pork dishes ang isinumite para sa adjudication, ngunit 313 dishes lamang ang naaprubahan sa final count.
Sinabi pa ni Ushirogochi na ito ay isang bagong rekord para sa Guinness. Ang minimum ay itinakda sa 300 na pagkaing gawa sa baboy bilang pangunahing sangkap.
“I’m happy to be here in the Philippines to adjudicate the official Guinness world attempt for most variety of pork dishes on display. The dishes must follow the following criteria; meat used must be pork, must have at least 3 kg contained in each dish and each dish must be unique, I wish you all the best,” pahayag ni Ushirogochi.
Patok na iprinisintang pagkain ay mula sa mga paborito ng Pinoy tulad ng lechon at barbecue hanggang sa mga regional dish at international cuisine.
MA. LUISA MACABUHAY GARCIA