NASA ilalim na ng State of Calamity ang bayan ng Ilocos Norte matapos na aprubahan ng Sanguniang Panlalawigan ang draft provincial resulution para sa deklarasyon nito dahil sa bagyong Egay.
Ayon kay Philippine Councilors League National President Handy Lao, inaprubahan nila ang deklarasyon ng State of Calamity dahil sa epekto ng bagyo kung saan marami na ang nasira.
Dahil sa deklarasyon, magagamit na ang calamity fund para sa pagtulong sa mga residente at pag-aayos ng mga nasira.
Samantala, inihayag naman ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) sa Ilocos Norte na aabot na sa 202 na pamilya ang apektado o 661 na indibiduwal.
Ang mga apektadong pamilya ay mula sa bayan ng Bangui, Badoc, Bacarra, Pagudpod, Banna, Adams, Piddig, Solsana,Burgos, Paoay at Lungsod ng Laoag at Batac.
Kaugnay nito, inilikas din ang pitong manggagawa na nakatira sa Narvacan Ilocos Sur at kasalukuyang ngayong nasa Evacuation Center sa bayan ng Bangui.
-EVELYN GARCIA