(Sa halalan sa susunod na taon) MARTIAL LAW EXTENSION PAMPIGIL SA KARAHASAN

martial law

CAMP CRAME – ISANG mabisang pamamaraan ang pagpapairal ng martial law kaya naman maging ang Philippine National Police (PNP) ay inirekomenda rin ito bukod pa sa unang suhestiyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Depensa pa ng pulisya, mahalaga na magkaroon ng karagdagang seguridad sa pagdaraos ng May 2019 midterm elections.

Sinabi ni PNP Spokesperson Chief Supt. Benigno Durana, ang pagpapalawig ng isang taon sa  batas-militar sa Mindanao ay magandang paraan para matiyak na magiging mapayapa ang halalan.

Una nang  hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso ang dagdag na martial law extension sa rehiyon.

Sinabi rin ng militar na ang “overwhelming sentiments” ng mga taga Mindanao ang siyang mitsa naman para isulong nila ang isa pang extension ng batas militar. EUNICE C.

Comments are closed.