NAIS ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez na ibigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang P500 buwanang pensiyon ng indigent senior citizens tuwing ikatatlong buwan sa halip na kada anim na buwan.
Ito ang nakapaloob sa inihaing House Resolution No. 1047 ni Rodriguez dahil na rin sa matinding epekto ng COVID-19 pandemic.
At dahil sa implementasyon ng lockdowns at quarantines, iginiit ng kongresista na maraming mga negosyo ang apektado at marami ang nawalan ng trabaho kabilang na ang senior citizens.
“Now more than ever, these indigent senior citizens need financial assistance from the government,” diin ng kongresista.
Kaya’t aniya, mas mabuting maibigay na sa lalong madaling panahon ang pensiyon ng mga senior citizen na kadalasang ginagamit pambili ng maintenance na gamot, pagkain at iba pang essentials.
Base sa memorandum circular ng DSWD, binibigyan ng P500 kada anim na buwan o P3,000 kada semester ang indigent senior citizens.
Nabatid pa na sa kasalukuyang taon, nasa P23.2 bilyon ang alokasyon para sa mga senior sa ilalim ng pambansang pondo na hahatiin at ibibigay sa mahigit tatlong milyong benepisyaryo.
Comments are closed.