(Sa halip na physical money) E-AGUINALDO IPAMAHAGI SA PASKO

HINIKAYAT ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga Pilipino na gumamit ng electronic cash (e-cash) sa halip na physical money bilang aguinaldo o cash gifts sa Pasko.

Sa isang statement nitong Miyerkoles, tinukoy ng BSP ang madalas na pagtaas sa demand para sa bagong banknotes at coins tuwing holidays dahil ang mga Pilipino ay tradisyunal na nagbibigay ng cash gifts sa kanilang mga apo, pamilya, inaanak, at kaibigan.

“Sending cash gifts electronically is convenient and efficient, and it promotes a more digital and inclusive Philippine economy,” ayon sa BSP.

Pinaalalahanan din ng central bank ang publiko na maaari silang magpapalit ng bago at malutong na banknotes at coins sa kanilang depository banks nang libre.

Tiniyak ng BSP na patuloy itong nagpoprodyus ng bagong banknotes at coins para matugunan ang mas mataas na demand para sa physical cash tuwing Pasko.