(Sa high school baseball championship) BLUE EAGLETS WINALIS ANG BULLPUPS

baseball

NAITALA ng Ateneo ang 2-0 panalo laban sa National University upang tanghaling kampeon sa UAAP Season 81 juniors baseball competition sa Rizal Memorial Stadium.

Winalis ng Blue Eaglets ang best-of-3 series, kung saan itinanghal na finals MVP si pitcher Zach Urbina.

Ang iba pang  Ateneo individual awardees ay sina first baseman Matthew San Juan (most runs-batted in), second baseman Dax Fabella (most home runs) at center-fielder Marcel Guzman (most stolen bases).

Ang Blue Eaglets ay yumuko sa kanilang dalawang laro sa Bullpups sa double-round eliminations, subalit nakaganti sa finals.

Nagwagi ang Ateneo sa Game 1, 6-3, noong Sabado.

Inangkin ni Kiel Olazo ng NU ang season MVP award, bukod pa sa best hitter and best slugger honors, habang iginawad kay Rezel Esqulito ang most home runs.

Samantala, naungusan ng De La Salle-Zobel ang National University, 25-23, 28-26, 13-25, 19-25, 15-13, upang makalapit sa girls crown sa UAAP Season 81 high school volleyball tournament noong Miyerkoles sa Filoil Flying V Centre.

Kumana si Angel Canino ng 18 points mula sa spikes habang nagdagdag si  Alleiah Malaluan ng 16 points at 14 digs upang kunin ng Junior Lady Spikers ang 1-0 lead sa Finals.

Nakatakda ang Game 2 sa Linggo sa San Juan Arena,  kung saan target ng  De La Salle-Zobel ang unang titulo magmula nang makompleto ang three-peat noong 2013 sa likod ng powerhouse roster na pinangunahan nina Kim ­Kianna Dy at Dawn Macandili.

Comments are closed.