APRUBADO na sa House Committee on Constitutional Amendments ang Resolution of Both Houses No. 2 o ang isinusulong na economic Charter Change o Cha-Cha.
Ang economic Cha-Cha with amendments ay naaprubahan sa botong 64 yes, 3 no, at 3 Abstention.
Bago i-adopt ng komite ang panukalang Cha-Cha ay nagkasundo ang mga miyembro sa mosyon ni Committee Vice Chairman Lorenz Defensor na huwag nang isama ang Section 7, Article 12 ng National Economy and Patrimony sa aamyendahan patungkol sa pagmamay-ari ng lupa ng mga dayuhan.
Ibig sabihin, ang restrictions sa foreign ownership sa lupa ng bansa ay mananatili.
Sa kabilang banda ay nananatili pa rin ang pagsisingit ng katagang “unless otherwise provided by law” sa mga restrictive economic provision ng Saligang Batas, partikular sa Articles 12, 14 at 16.
Sabay ring inaprubahan ang committee report ng economic Cha-Cha at nakatakda na itong iakyat sa committee on rules para maikalendaryo at masimulang talakayin sa plenaryo.
Naunang sinabi ni Constitutional Amendments Chairman Alfredo Garbin, Jr. na para ganap na mapagtibay ang economic Cha-Cha sa Kamara ay mangangailangan ng 3/4 votes mula sa lahat ng miyembro ng Mababang Kapulungan. CONDE BATAC
Comments are closed.