SA HULING BAHAGI NG 2021

ABALANG-ABALA ang marami sa paghahanda para sa kampanya at eleksiyon sa susunod na taon.

Inaabangan ng mga tao kung sino-sino ang mga tatakbong kandidato.

Ang masa naman ay humahabol sa pagpaparehistro upang makaboto sa eleksiyon. Maraming proyekto ang naisasantabi sa ngayon dahil sa mga paghahandang ginagawa para sa Mayo.

Samantala, paparating na ang Pasko. Nag-umpisa na nga sa Pilipinas ang pagdiriwang, Filipino-style.

Ibig sabihin, Christmas season na rito simula pa noong unang araw ng Setyembre. May mga namimili na, online man o sa physical stores. Ang iba ay nag-iipon, nag-iisip kung paano gagawin ang mga selebrasyon sa gitna ng pandemya. Hindi kasing sigla ang preparasyon ngayong taon dahil sa COVID-19, pero ano man ang mangyari, tuloy pa rin ang Pasko.

Patuloy pa rin ang pakikipagbuno ng bayan laban sa pandemya. Nabawasan ang bilang ng daily cases kumpara noong nag-uumpisa ang surge dahil sa Delta variant. Pero mataas pa rin ito. May mga restrictions pa rin tayo, at pinaaalalahanan ang lahat na ipagpatuloy ang pag-iingat.

Napakarami na nating kababayan ang tinamaan ng sakit, at marami na rin ang pumanaw nang dahil sa virus na ito. Hindi pa ito ang panahon upang maging kampante tayo.

Sa dami ng nagaganap sa bansa at maging sa buong mundo sa panahong ito, partikular sa dulo ng taon — itong huling tatlong buwan ng 2021 — makikitang napakahalaga ng masusing pagninilay, maingat na pagpaplano, at ibayong pag-iingat sa maraming bagay.

Hindi pa tapos ang mga pagsubok, kahit na hinihila tayo ng reyalidad upang magpatuloy lamang sa normal o ordinaryong pamumuhay. Higit sa lahat, hindi dapat mawala ang katahimikan at panalangin o pagtawag sa Itaas upang tayo ay bigyang-gabay sa mahahalagang bahagi ng ating pamumuhay.

117 thoughts on “SA HULING BAHAGI NG 2021”

  1. Hello all, here every one is sharing such experience, so it’s good to
    read this webpage, and I used to go to see this webpage every day.

  2. 875936 842518There some fascinating points over time here but I dont know if I see them all center to heart. There exists some validity but Let me take hold opinion until I appear into it further. Extremely excellent post , thanks and now we want much more! Included with FeedBurner at exactly the same time 435468

Comments are closed.