BANGUNGOT nang maituturing para sa ibang presidential aspirants ang patuloy na pagtaas sa survey ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., lalo’t sa pinakabagong Kalye Survey results ay si BBM pa rin ang malayong angat matapos makakuha ng kabuuang 62.17 % preference votes mula sa 112,742 respondents sa buong bansa.
Ayon sa Splat Communications, mula sa kabuuang 112,742 respondents na kinalap ng Kalye Survey hanggang noong Enero 26 sa buong bansa, 70,088 0 62.17 percent ang bumoto para maging pangulo ng bansa si Marcos.
Ang resulta ay inilabas ng Splat Communications noong Enero 27 mula sa tanong na: ‘Kung ngayon gagawin ang eleksiyon, sino ang ibobotong pangulo!’
Si Leni Robredo na malayong pangalawa ay nakakuha ng 10,936 o 9.70 percent boto mula sa mga respondent.
Pangatlo si Isko Moreno sa nakuhang 8,418 o 7.47 percent, pang-apat si Manny Pacquiao na may 7,048 o 6.25 percent at panghuli si Ping Lacson na may 2,572 o 2.28 percent.
Ang undecided ay 12.13 percent.
“The percentage of Bongbong Marcos is nightmare-inducing for all the other presidentiables at 62.17 percent. A very far second is VP Robredo with a measly 9.70 percent. Third is Mayor Isko with 7.47 percent. Fourth is Sen. Manny, followed by Sen. Ping…,” anang voice-over sa YouTube.
Maliban sa Bicol region, si Marcos ang ‘consistent runaway winner’ dahil sa milya-milya agwat nito sa mga katunggali.
Pinakamataas at impresibong nakakuha ng 80 percent si Marcos mula sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, at Cagayan Valley at kapansin-pansin na ang mga katunggali nito ay nakakuha lamang ng mababa sa five percent.
Sa Bicol region ay nakakuha si Robredo ng 46.25 percent, pumangalawa sa kanya si Marcos na may 24.90 percent.
Kung ikukumpara sa nakuhang 85.81 percent ni Marcos sa Ilocos, itinuturing ng mga eksperto na hindi na rin masama ang nakuhang puntos ni BBM sa Bicol region, dahil balwarte ito ni Robredo.
Marami ring rehiyon mula sa Luzon, Visayas at Mindanao ang halos magkakadikit naman sa ikalawang puwesto sina Robredo, Moreno at Pacquiao na suwerte nang makakuha sila ng double digit na boto.
Sa kabilang dako, dagsa rin ang suportang tinatanggap ng BBM-Sara UniTeam mula sa mga netizen.
“Solid BBM-SARA tandem. Nakakataba ng puso grabe ang taas ng intelligence level ng mga tao ngayon di na ipiktib ang panlilinlang at pagsisinungaling ng mainstream media laban sa Marcos family at sa taong bayan,” anang isang nagkokomento.
“DIKIT na DIKIT ang laban sa… 2nd and 3rd place!!!!!,” sabi ng isa pa.