(Sa human trafficking)MGA PINOY SA THAILAND BINALAAN

ofw

PINAG-IINGAT ng embahada ng Pilipinas sa Thailand ang mga Pilipino roon kaugnay sa human trafficking sa mga bansang sakop ng Mekong region, kabilang ang Laos at Myanmar.

Kasunod ito ng mga natatanggap na sumbong ng embahada ng bansa hinggil sa mga nabibiktima ng human trafficking kaya dapat maging mapanuri at mag-ingat ang publiko sa online post at advertisement hinggil sa mga trabaho sa Thailand partikular sa Facebook.

Nagkalat, anila, sa social media sites ang mga kahina-hinalang job recruiters o employers, kabilang na ang transnational organized crime syndicates.

Partikular na inaalok na trabaho sa Thailand, ayon sa embahada, ay customer service representatives, subalit ginagamit sa mga ilegal na gawain ang mga aplikante kaya mas mabuting i-check muna sa POEA ang anumang job vacancy sa ibayong dagat.

DWIZ 882