(Sa idinaos na birthday party sa Baguio) KC CONCEPCION, TIM YAP NAGMULTA NG P1,500

NAGMULTA ng P1,500 si events host at social media personality Tim Yap, aktres na si KC Concepcion at iba pang mga bisita dahil sa paglabag sa COVID-19 health protocols nang magdaos ng birthday party sa Baguio City.

Ayon sa Baguio City Public Information Office, nagbayad din ng P1,500 na multa ang maybahay ni Mayor Benjamin Magalong na si Arlene Magalong, at 30 pang bisita sa kontrobersyal na birthday affair na ginanap sa The Manor sa loob ng Camp John Hay.

P1,000 ang multa sa paglabag sa hindi pagsusuot ng face mask (Ord. 45-2020) at P500 sa kabiguang pagsunod sa physical distancing (Ord. 46-2020).

Dahil sa pangyayari ay nagdesisyong magbitiw si dating Gen.Benjamin Magalong bilang contact tracing czar ngunit ito ay hindi tinanggap ng Malakanyang. NENET VILLAFANIA

4 thoughts on “(Sa idinaos na birthday party sa Baguio) KC CONCEPCION, TIM YAP NAGMULTA NG P1,500”

  1. 521922 386801Do you mind if I quote a couple of your posts as long as I supply credit and sources back to your website? My weblog is inside the exact identical area of interest as yours and my visitors would truly benefit from some with the details you supply here. Please let me know if this ok with you. Thanks! 149239

Leave a Reply

Your email address will not be published.