(Sa iginawad na pardon sa 220 Pinoy) UAE PINASALAMATAN NG PILIPINAS

NAGPAHATID ng taos-pusong pasasalamat ang Philippine government sa pamamagitan ng Department of Migrant Workers (DMW) sa pamahalaan ng United Arab Emirates matapos nitong bigyan ng pardon ang may 220 Pilipinong nakadetine sa naturang bansa.

Kasabay ng pagdiriwang ng UAE sa kanilang 53rd National Day, inanunsyo ang pardon noong December 26, 2024 para sa mga Pilipinong nakapiit sa kanilang bansa,

Ayon sa DMW, ang pagkilos na ito ay nagpapakita ng matatag at patuloy na ugnayan ng Pilipinas at UAE.

Samantala, tiniyak ng DMW na nakahanda ang Migrant Workers Office-UAE upang makipagtulungan sa Philippine Embassy para sa repatriation ng mga na-pardon na OFWs.

Nangako rin ang DMW na magbibigay ng suporta para sa maayos na reintegration ng mga ito sa tulong ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

P. ANTOLIN